Sunday, September 15, 2013

Love Birds CHAPTER 2: New Beginning

                                                                                 After 10 years..
"Congratulations to all graduates"
At lahat nag palakpakan sa tuwa.
"I now pronounce you all GRADUATES"
at nilipat na namin ang graduation tassel from left to right..
Yes that's right! Graduate na ko ng High school.
Grabe ang bilis ng panahon talaga parang nung nakaraan lang bata ako na nag lalaro sa labas, ngaun...
Kasalukuyan ako ay nasa aking Graduation Ceremony. eto na ata ang pinaka masaya yet malungkot na happenings sa buhay ko, masaya kasi nakaraos din ako sa 4 na taon sa High school, malungkot kasi mapapawalay na ko sa aking mga munting kaibigan how sad talaga.
"4th honorable mentioned, Guantero, Elen Mari C."

Pag katawag sa Pangalan ko tumayo ako sa Kinauupuan ko, umakyat sa stage at tinanggap ko aking Diploma.
Yes! the taste of success! nahawakan rin kita! syempre my medalya pa!
After ng Graduation Ceremony, Umuwi na kami sa bahay at nag handa. syempre si mama pa nde mag papatalo yun sa handaan, dapat madaming pagkain at kung ano ano pa. Syempre si kuya pasikat oo nga pala hindi ko pala napakilala si kuya ng matino."Elric James C. Guantero" yan ang pangalan ng kuya ko. Pasikat, mayabang, ma-chicks! san ka pa.. well gwapo naman si kuya kaya ganun.
"hoi panget!" sabay hagis ng isang malaking box sakin ni kuya
"congratz! ^_^v galingan mo sa college ah" sabay balik sa mga chicks niya.
ay! bisita pala
Napaka gulo ng bahay maingay daig pa fiesta. may bisita si mama, si kuya din may bisita. Si Papa, hmm.. Ayun laging nasa Kusina pag may handaan laging pumupuslit ng pagkain kasama mga katrabaho niya. ako? hmm walang bisita kung sino bisita nila sila rin bisita ko.
Umakyat ako sa aking silid bitbit ang mga regalo nila. hmm ang dami kahit karamihan maliliit lang. Pag pasok ko sa kwarto Ibinaba ko ang mga regalo ko sa kama, umupo ako sa kama, binuksan ko ang aking bintana at dumungaw, Una kong pinansin ay ang bahay katapat ng aming bahay, Tama, bahay nila Albert.  Binuksan ko ang aking drawer katabi ng aking kama at kinuha ko ang maliit na box. Kinuha ko ang Kwintas na bigay ni Albert pati ang picture na nung bata pa kami. Sinulatan ko pa
"ano na kaya itsura mo? Graduate ka na din ba? Naalala mo pa kaya ako? tss. Hindi na siguro" sabi ko sarili ko.
Ibinalik ko lahat ang kwintas at picture sa drawer ko at agad binuksan mga regalo ko. Nakatangap ako ng 3 small gifts and 3 bigs gifts. syempre ung malalaki galing kanila Mama, Papa at Kuya. Inuna ko ung maliliit. galing sa isa kong Friend na si Nina Makisig.
wow ang cute, Coin purse na may strawberry sa gitna, tawagan ko na lang siya mamaya.'
sinunod ko ung isang Small gift galing sa isa ko rin matalik na kaibigan na si Grace Uy. isang clip na strawberry
suutin ko na lang to pag nagkita kami
At last small gift from my Super Friend Dani Cruz. Nagulat ako sa binigay niya kasi napaka ganda at unexpected na bibigyan niya ako ng ganito. Isang bracelet na may Padlock na heart shape.
adik ka talaga Dani
Sinunod ko naman ang mga regalo nila mama.. nakatanggap ako ng bagong Laptop mula kay Papa, Camera naman mula kay Mama, at,
Wow! Cellphone mula kay kuya!? hahaha wow ah.
"SALAMAT SA MGA REGALO!" sigaw ko sa baba.
agad kong pinag laruan mga regalo nila. agad kong sinalpak ang bagong number ko sa phone na binigay ni kuya at nilagyan ng mga contacts na alam ko. inopen ko agad un laptop na bingay ni papa at nag lagay ng songs. at pinuno ng pictures ang camera na binigay ni mama. kinuhanan ko ung labas ng bahay nila albert mula sa kwarto.
Habang kinukuhaan ko, napansin ko na may binatang lalaki sa tapat ng bahay nila. ng biglang may lumabas na matandang lalaki sa kotse pati na rin Magandang Babae.
sino kaya mga to?
At Sumunod na Moving truck. agad - agad na naglalabas ng gamit sa truck at pinapasok sa Bahay nila Albert.
Ay, nabenta na tss. mkakalungkot naman. mukhang hindi na nga babalik ang best friend ko.
Habang patuloy kong kinukuhaan ang bahay, biglang lumingon ang binatilyo patungo sa akin. nabigla ako at hindi ko namalayan na ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. hindi na akong muling lumingon sa labas dahil alam kong aasahan niya na titingin muli ako sa labas.
 Sumilip ako ng kaunti sa bintana at nagbabakasakaling hindi na siya nakatingin,
OMG nakatingin pa din siya.
Tumakbo ako sa baba kay mama para tanungin kay mama kung kilala ung bago lipat.
"Ma! kilala mo ba ung bagong lipat jan sa bahay ng kababata ko?" tanong ko kay mama.
"hindi anak, baket?" sabi ni mama.
"wala lang." sagot ko.
"Oh?! may bagong lipat? kilalanin mo at ayain mo dito." Sabat ni Papa.
tinignan lang namin ni Mama si Papa ng matagal na parang nailang kami sa tanong niya.
"oh? ano nanaman?" tanong ni papa.
"haist wala po." sagot ko at umakyat  na lang ako ulit sa kwarto ko.
Pag kadating ko a kwarto ko agad akong sumilip sa labas at nakita ko na wala na siya. I'm so curious about that guy
Who is he..?
humiga nalang ako sa kama at pumikit hangang sa
...........................
Pag dilat ko ng mga mata ko maliwanag na tinignan ko ang orasan ko at 6:30 na ng umaga..
gosh! nakatulog pala ko..
Bumaba ako at una kong nakita ay si kuya nakatulog sa sala kasama mga barkada niya.
hhmm mga lasing.
Si papa at mama naman wala sa bahay, nasa trabaho na siguro. agad kong niligpit mga kalat nila kuya at nagluto ng agahan. galing ko noh. 16 palang ako marunong ako magluto. siempre tinuruan ako ni mama magluto. after ko magluto lumabas ako at nag dilig ng mga tanim namin. habang ako ay nagdidilig. isang bola ng volley ang tumama sa isang paso ng tanim namin at nabasag.
nakakainis! hindi man marunong mag dahan dahan.
kinuha ko ung bola para ibalik sa may ari.. humanda sakin un.
Pag talikod ko. isang binata ang sumalubong sakin. siya siguro ung may ari neto. humanda siya sakin!
"ikaw ba may ari ng bolang ito?"
"oo, bakit?" sagot niya.
Angas ah! "
bakit? nasira mo lang naman isa sa mga tanim ko, in fact nabasag mo ung paso"
tinignan niya ung nabasag niyang paso at napangiti. tumingin sakin ng parang nag mamakaawa.
Che! nagpapacute pa.
"sorry miss hindi ko sinasadya"
Tinitigan kong maigi ung mukha niya at napansin ko siya yung lalaki kahapon,
wow.. cute nga..pero mukhang maangas at mayabang!! tsk nakakainis ng papacute pa nde nmn gwapo! nadaan lang sa puti.
"sorry na po ah.."
"tss! sorry, bakit yang sorry mo ba eh mabubuo yang paso? tsk.. eto na bola mo.. tsk inis!"
Tumalikod ako at agad kong nilinis ang nabasag na paso, at napansin ko na agad ng umalis ung binata. pagkatapos kong linisin ang kalat ng binata, agad akong pumasok sa bahay, pag kapasok ko may narinig akong nagriring na phone, nagmumula sa taas ung ring,
naiwan ba ni mama o papa ung phone,
pag pasok ko sa kwarto nila hindi nang gagaling sa kwarto nila ung tunog.
huh? nang galing sa kwarto ko? ay oo nga pala may cellphone na pala ko.hahaha dumb dumb..
pa check ko ng phone ko, nakita ko name nina,
hhmm... bkit kaya?
"hello?" sagot ko.
"ELEN!!!! naks may CP na siya!"
"adik! oh bakit ka napatawag?"
"magkita tayo mamaya sa mall ah.."
"sure sige what time?"
"after lunch" sagot niya.. wow excited
"sige hintayin ko lang magising si kuya para makahingi ng pera"
"sige.. ayain ko na din si dani at grace see you later bye!"
"k po.. bye"
hai kaibigan nga naman...
Naligo na ko at nagayos..pinili kong suotin ang pink off shoulder top ko at maong skirt ko. pigtails ang buhok na naka french braid. sinuot ko ang kwintas ni Albert, at ang bracelet ni Dani, ginamit ko agad ang purse na binigay ni Nina at ung clip na binigay ni grace.. hihihi cute. pag baba ko nakita ko si kuya umiinom ng tubig sa kusina at ang sama ng tingin sa akin, napansin ko na gising na din pala mga kaibigan niya.
"wow! bihis na bihis ang dalaga saan lakad mo?" tanong ni kuya Mike isa sa mga tropa ni kuya.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil paniguradong aasarin lang ako ng mga to.
"Hoy! Pangit! saan ka pupunta? at bakit pormadong pormado ka?" sabat ni kuya elric
"Sa Mall, bakit? may papabili ka?" sagot ko
"wala, hoy naglinis ka na ba"
nako naman sasabat pa daming satsat may masabi lang ii.. grrr..
"oo tapos na ikaw lang naman kalat dito eh." asar ko.
"may pera ka ba?"
"pahingi ako kuya hehe"
kinuha ni kuya ang wallet niya at binigyan ako ng 2000, hahaha
bigatin kuya ko XD sarap talaga magkaroon ng maipon na kuya XD
"maghintay ka dyan at kukunin ko ung kotse, hatid na kita." wow concern si lovabble kuya
"wag na mamamasahe na lang ako"
"sa tingin mo papayagan kitang umalis ng ganyan ang itsura mo? kapal ng mukha mo magskirt" ouch ah!
"ihahatid na kita!" what the?!
"paano sila?" tanong ko kay kuya sabay turo sa mga tropa niya.
"Hayaan mo sila feel at home naman yan palagi, diba guys?"
"Oo" sagot ng tropa ni kuya.
Agad ng hinila ako ni kuya papunta sa kotse namin na at tulad ng sabi niya hitatid na niya ko sa Festival Mall. 5 minutes early ako sa Festival ayos lang yun sanay na ko. at dahil maaga pa ako sinamahan muna ako ni kuya sa Festival, nag take out na rin ng pagkain para sa mga bisita ayaw niya kasi magluto kasi tinatamad siya. after 15 minutes dumating na din ang mga VIP.
"hay nako dumating din sa wakas," bigkas ko.
"oh paano, una na ko, Elen, ung CP mo dala mo?" Tanong ni kuya Elric.
"opo kuya, ingat ka pangit!"
"text mo ko kung susunduin na kita ah"
"opo bye bye!"
Pagkaalis ni kuya agad kong nilingon ang aking mga kaibigan ko at sabay tanong sa kanila kunga nao ang plano nila.
"oh ano plano niyo?" tanong ko sa kanila.
"kain tayo ng lunch, nagugutom na ko eh" sabi ni Dani.
"lagi ka naman gutom eh" asar ni Grace.
"bakit ba? lalaki ako at tao din ako kailangan kumain"
Heto nanaman tong dalawang to.. Lagi nalang nag tatalo.. Palibhasa mag pinsan. ay! nde ko ba nabanggit sainyo? magpinsan si Grace at Dani kaya ganyan sila magtalo. haha my bad! XD
"tumigil na nga kayo jan sa pagtatalo tara na sa food court" Awat ni Nina.
At kami ay nagtungo sa Food Court, habang naglalakad kami papunta doon, ang daming stop over namin mga babae lalo na pag dating sa mga damit, kea eto naman si Dani naiinip kasi wala tayong hmagagawa puro babae tropa niya. Si Dani pala ang Super Friend ko sa School simula nung Inaaway ako ng mga bully siya ang nagtanggol sakin nung grade 3 kami. siya na ang Super Hero ko palagi pag may nangaaway sakin, parang kapatid ko na din siya.
"Hoi! bilisan niyo na nga jan mamamatay na ko sa gutom!" reklamo ni Dani.
"he! shut up! nag e-enjoy pa kami" asar ni Grace.
Si Grace naman ang matalik na pinsan Dani, lagi sila nag tatalo, kahit na maliit na issue lang pag tatalunan nilang dalawa. Wala tayong magagawa parehas wise ang mag pinsan, Naging close ko lang si Grace gawa ng lagi kong pag bisita kanila Dani and at the same time siya ang lagi kong nakakausap pag may problema ako. Inshort ate ko na siya.
"wow! ang cute ng dress na to! ELEN! halika dito, sukat mo nga to panigurading bagay sayo to" Sabi ni Nina.
Hinila ako ni Nina sa Fitting room at pina-sukat sa akin ang blue dress na may malaking ribbon sa likod, hai nako,
Hetong si Nina simula grade 5 kaibigan ko na to, lagi akong binibihisan at inaausan ng buhok, natutuwa daw kasi siya sa akin dahil ang haba ng buhok ko at ang cute ko daw, ASO? haha inshort she is my so-called-kikay-friend pero love ko siya kasi nanjan siya palagi pag may nangaaway sa akin o kaya kay Dani or Grace. resbak? haha medyo lang naman she is a friend who is always there when you need one.
She is my best friend Ayon lagi na kami mag kasama hanggang sa ma-realize ko na 4 na kaming magkakaibigan, walang iwanan to the max! ang cute no? may kanya kanya silang paguugali, Isang super friend, isang Ate, at isang kikay na mataray wow! ako? simple Happy-go-lucky joke. hahaha ako ang kaibigan na nandiyaan pag kailangan mo. echos!