Monday, September 16, 2013

Love Birds Chapter 4: It's me, and them?

Haist halos isang buwan na din pala ko nakatengga sa bahay gawa ng bakasyon. Hindi naman ako makapag gala gawa ng mga kaibigan ko ay nasa kanilang probinsya.. ako? wala akong probinsya Manila girl ako ii hahaha...
Haist.. grabe nakakatamad! umakyat ako sa kwarto ko at nag paka VAIN! gamit ang camera ko
"nako puro virus na to"
naglaro na din ako ng games sa phone ko. 


kinuha ko phone ko sa desk ko at napansin ko na may 10 miss calls galing sa iisang number lang.
kanino kaya un? hhhhmmm..
nag start na lang akong mag laro ng games sa CP ko. While in the middle of the game, may biglang tumawag sa akin sa CP ko, nagulat ako at nabitawan ko ang phone, buti na lang at nasa kama ako.
"hello? sino po sila" sagot ko sa phone.
"ELEN! ELEN"
"po?"
"Dani to" whew, kala ko kung sino na.
"Oh Dani, bakit ka napatawag?"
"sama ka sa amin bukas,"
"saan?"
"sa Pansol, outing tayo,"
"oh akala ko ba nasa probinsya kayo?'' nakakapagtaka.
"Kakarating lang namin ni grace last week. same goes for Nina ano dali sama ka ahh."
wow aahh kakauwi lang nila outing ulit. agad-agad?
"Paalam muna ko, badtrip ka! agad-agad pagdasal mo na payagan ako. teka teka, sino mga kasama?''
"Ako, grace at Nina tapos may other friends pa" Other friends? the who?!
"sinong others?" tanong ko with matching arte XD
"basta sumama ka na lang ha geh bye"
"teka~ AY buisit!"
hay nako! mga kaibigan ko talga mga pasaway! at may other friends na! wow ah may gimik sila na hindi ako sinasama! ang sasama nila!
At dinner time, kinausap ko agad si mama at papa, and try to ask permission para sa outing tom. hhmm sana payagan!
"Ah Ma, ma-iba ko lang po ang usapan, I know its all of a sudden pero, inaya ako ni Dani mag outing tomorrow sa Pansol, is it okay?"
"Sure anak, Eh Papa mo papayag ba?" sabi ni mama.
"Oo okay lang sakin, ilang days ba yan?'' Oo nga pala, si Dani kasi ii!!!! buisit!
"Ay, yun lang po ang hindi ko alam papa" BOOM! patay na!
"ako din ii pa may outing Tomorrow" singit ni kuya.
"Tapos mo na ba asikasuhin yung kotse?"
"Opo pa''
"SIGURADO KA?!"
"lagot ka kuya" singit ko.
Sinipa ako ni kuya sa legs nilang ganti, ako naman bumawi agad-agad.
"Malaki ka na Elric, Basta mag iingat ka ah lalo na at 4th year college ka na.'' sabi ni mama.
Ayon pinayagan ako. XD nice one. Pag katapos ng dinner agad kaming nag ayos ng gamit ni kuya para bukas. May halong excited at kaba ang nanararamdaman ko ngayon, kasi may new friends. the who! ang new friends? habang nagaasyos ako ng gamit napasin ko na medyo baduy na ang swimsuit ko.
OMG! ano gagawin ko, hindi naman pwede na bumili ngayon dahil gabi na. eehh nu ba yan!
"Ano wala ka masusuot?" tanong  ni kuya.
"Oo ikaw?"
"Wala rin, tara late shopping tayo"
"Tara!"
YES! bait talaga ni kuya humingi na kami ng pera kay papa at agad agad na pumunta ng Festival Mall. pag dating namin doon may two hours pa kami para Mamili. So We hurried to Shopwise department Store to buy a Suit. pero instead na suit lang ang bilhin other summer necessities and clothes ang dinapot. Iba talaga pag kasama ang kapatid, nagkakasundo sa iba't ibang kalokohan. after an hour, natapos na kami mamili and pay the items.
"lagot tayo kay papsi!- HMM yaan mo na lagi naman na tayong ganito at sanay na siguro yun"At natawa nalang ako sa sinbi ni kuya,
After paying, we headed to the car and went home, pagdating namin eh sarado na ang ilaw sa sala.
"sshhh balik na tayo agad sa kwarto." sabi ni kuya na pabulong B.I. talaga tong kuya ko, nakikisama naman ako. XD Pagka sara ni kuya ng ppunta biglang bumukas ang ilaw, nakita namin si Papa, naka abang sa Hagdan at naka cross arms.
"asan ang sukli?'' sabay abot ng amay niya. kaming dalawa ni kuya eeh nagkatinginan nalang, at ibingay ni kuya ang sukli ni papa.
"bakit eto lang?" Hindi na kami kumibo ni kuya at nagtinginan na lang ulit
"ah.. eh.. kasi" sabay nag pagkasabi namin ni Kuya.
"shush! ayoko na ng paliwanag niyo, kilala ko na kayo. kayong dalawa talaga. go to your room both of you NOW!!!" at tumakbo na kami ni kuya papunta namin sa kwarto.
Syempre hindi naiwasan na mag talo kami ni kuya. it's both our faults naman. Agad-agad kami natulog ni kuya. after namin mag bath. FYI hindi kami sabay. Si Kuya masyadong naexcite sa outing at kinulit ako sa kwarto ko at nakipag kwentuhan. sa sobrang dami namin napagkwentuhan hindi namin namalayan ang oras at napansin namin na 1am na. Si kuya tinamad lumipat sa kwarto niya at natulog na lang sa tabi ko. syempre ako naman ginawa ko siang unan and also went to bed
Kinabukasan.

"HOI! PANGET! BILISAN MO NGA! iiwan ka na nila Nina!" Sermon ng aking dakilang kuya hay nako.
"OO AYAN NA!"  After mag empake nagmadali akong bumaba at nag hanap ng Rubber shoes and Sandals.. kailangan mag handa lalo na at may others... gosh! THE WHO?!!
"hoi! ELEN! ano ba? hindi lang ikaw ang may kasama na nag hihintay sayo! sa akin din meron, so would you please hurry up?!"
"Alright! ALright! I'm Coming! sheesh!" Lumabas na ko ng bahay at nag buh-bye na kay mama at papa.
Naglakad kami papunta sa house ni dani, nde namin pwde gamitin ung car kasi baka gamitin ni papa at may kanya kanyang van for outing. wow! naeexcite ako! first time ko makipag outing kasama ang friends ko!!!
"Elen, mag iingat ka ah! lagot ako kay Papa pag nalaman niya na pinabayaan kita" sabi ni kuya .
"opo, teka kuya, saan ba outing niyo?" tanong ko
"Sa batangas, kayo?"
"Pansol daw"
"DAW?! haha, sige ingat ka ah, punta na ko kanila Mike ah.. ingat ka!"
"Bye Kuya"
Iniwan ako ni kuya sa Kanto papunta sa street nila dani, at siya naman Dumeresto sa street kung saan located ang house nila kuya Mike. agad akong pumunta sa house nila Dani, pero bago ako makarating doon, agad kong nakita ang Van na gagamitin namin papuntang Pansol, and yes may others.
"ELEN!" Sabay kaway ni Dani sa Akin.
At nakita ko si grace and Nina my friends! :))
"Kala ko hindi ka na makakasama ii" sabi ni Nina.
"Tara na, lagay na natin ung gamit mo sa Van, at ipapakilala ka na namin sa new friends natin" sabi ni Grace, and YES! excited siya kaysa sa akin.
Kinuha ni Grace ang gamit ko at inabot kay Dani para ilagay sa likod ng Van, hinila naman ako agad nila Grace at Nina para ipakilala sa mga bagong friends KUNO! na sinasabi nila.
"Ahem! guys! this is Elen." announce ni Grace
"Elen this is John and Jolo kambal sila and it's so Obvious And Nico"
"Hi Elen nice to meet you" sabay sabi ng kambal X3 so cute!!
"Hi Elen, nico is the name, and LOVE is my game!" Sabi ni Nico with matching patawa So nice naman! mukhang matutuwa ako sa outing na to ah.
"Okay! Everything is pack up and ready so let's go!"
another guy came up and he look so familiar.
"Elen oo nga pala, this is Albert I guess you know him already. siya ung nag volunteer ng ating vehicle for the outing at  siya din nag set ng outing" introduce ni Nina Teka, hindi lang pala siya Familiar, I know this guy! si creapy neighbourhood! OMG siya ang host ng OUTING?!!!
"Hi Elen, its my pleasure to finally meet you properly"
Pleasure!?! well its not my pleasure!!
"ahm, hello, Albert." with fake smile.
Ano ba yan, si creepy ice cream guy pa nga ang makakasama, okay na si jolo, john at nico ii! bakit pati siya kasama! :((
"Tara na guys, the earlier we leave, the more time we can spend together di ba Nico?" sabi ni albert.
"syempre naman men!" Nico Agreed.
"Okay! excited na ko!" sabi ni Dani.
"ako din! lalo na at mga cute ang kasama" si grace humaharot!
"yiiiiiee! kinikilig ako!!!!" Nina?
OMG! I think I'm gonna die in this awkward situation. MOTHER IN HEAVEN TAKE ME AWAY! haist
"Elen! tara na!" Sabay Hila sakin ni grace at nina.
Can I take this situation? haist ang magagawa ko na lang siguro ay makisama, harsh. kawawa naman ako. :(