Sunday, September 15, 2013

Love Birds CHAPTER 1: First Best Friend


May isang bata cute cute na bata, nakakulong siya palagi sa bahay nila gawa ng sakit niya. aha sakit sa puso. simula ng nalaman ng parents niya about his sickness pinag bawalan na siyang mapagod at masaktan, napaka protected ng parents niya, kaya ayun naging lonely siya, kulong na siya sa bahay wala pa parents niya palagi kea yaya nalang palagi niyang kalaro.
AY! name niya?
siya si Albert. Isang araw naglalaro siya ng toys sa kanyang kwarto habang nag liligpit ang kanyang yaya. Napasilip si Albert sa bintana, at may nakita siyang mga batang nag lalaro sa kapit bahay nila,
YUP! (^_^)v isa ako dun sa ma batang yun. 
Sa inggit niya pinilit niya ang yaya niya na makipag laro sa mga bata sa labas

"Yaya can I go out?" pilit ni albert.
"NO IHO, you know your sakit ah.. naku ayoko mag alala mommy at daddy mo." explian ni yaya
"yaya please I wanna to be like a normal boy like others.. please yaya T.T"
"hai nako Albert.. kulit mo.. sige pero saglit ka lang ha! at susunod ka sakin kung ayaw mo si yaya ang mapalo! naku alam mo naman daddy mo msungit. ligpit mo na toys mo at labas na tayo"
"yehey! thank you yaya!"   at sumunod na si albert sa kanyang yaya.
pag labas ni albert sa kanilang bahay nanibago siya. kinakabahan at naexcite dahil makakakilala na rin siya ng mga bagong kaibigan. ngunit paglabas niya wala ng mga bata sa labas. umikot siya kasama si yaya.
"yaya" sinabi ng paiyak
"bakit wala ng kids?"
"baka uwian na albert iho"
tuloy sa pag hahanap si Albert until may nakita siyang batang babae na nakaharap sa Fire Tree. 
"87 88 89" "hoi bata! umiiyak ka ba?" kulit ni albert sa batang babae
"wag ka nga magulo nag bibilang ako, 82 83 85"
"hindi ka nmn marunong mag bilang eh!'' asar ni albert
"marunong ka ba maglaro! mag tago ka na nga! matalo ka pa-teka! kilala ba kita? bakit parang ngayon lng kita nakita?''
"ah eh.."
"wag na nga mag bibilang na ko 88 89 100! game! hahanapin ko na kayo!"
"hindi ka marunong mag bilang!" asar ni albert.
Hindi na lang pinansin ng batang babae si albert at tuloy sa paghahanap sa kanyang mga kaibigan habang si albert ay bumuntot na lang sa batang babae.
"ano ginagawa mo?" tanong ni albert.
"hindi ba halata? nag lalaro ako, hinahanap ko ma kaibigan ko."
"bakit nawawala ba sila?''
"alam mo ba tong larong to?" Galit na tanong ng batang babae kay albert  at sumagot ng pahindi si albert.
nagulat ang batang babae kay albert na tila ay nag mukhang mangmang ang lalaki.
"hala ka! mangmang! sumunod ka na lang sakin at tutruan kita wag ka mag alala gagabayan kita" sabi ng batang babae.
Tuloy sa pag lalaro sila albert at tuwang tuwang si albert. si yaya 1st time niyang makita na ngumiti ng sobra ang ganyang alaga. medyo takot dahil baka mamaya umatake ang sakit niya. dumating ang alas sinco ng hapon at tinawag na ni yaya si Albert para umuwi.
"hala tawag na ko ni yaya uwi na ko" malungkot na sabi ni Albert.
"ay sayang naman. sige bukas ulit" pangiti na sabi ng batang babae.
"ay oo nga pala, ano pangalan mo?" "
Elen nga pala"
YES It's ME!! ^-^V
"ikaw?"
"Albert ang pangalan ko, punta ka sa bahay bukas laro tayo ng toys ko ha''
"sige ba! buh-bye albert"
"bye bye'' paalam ni albert.
Kibukasan ng hapon agad akong nag paalam kanila mama.. yes excited ako makalaro ang bago kong kaibigan na si Albert. talagang kinulit ko si mama na payagan ako, eto naman kuya ko inasar pa ko.
"sows! lalabas ka nanaman! ang itim mo na oh! NEGERS!"
"Inggit ka lang kasi may new friend ako!"
"NEGERS!"
"MA si kuya oh!''
hai nako! mga kuya talaga sarap sipain!
"tumigil na kayo! sige na Elen pumunta ka na sa new friend mo. uwi agad ha.. san ba nakatira yang new friend mo?"
saan nga ba?
Lumabas na lang ako ng bahay at nag bago ng plano until nkita ko yaya ni albert. nilapitan ko siya at agad kong tinanong kung nasan si albert. tinuro niya ang malaking bahay. pinapasok niya ako sa bahay nila at hinatid sa kwarto niya. grabe ang laki ng house nila,
or maliit lang ako nung time na yun. XD
pag kadating sa kwarto ni albert ang una kong napansin isang relaxing blue wallpaper, at isang batang lalake na nanunuod ng TV si albert.
"iho may bisita ka" sabi ni yaya.
tumingin agad si albert at tumakbo papunta sakin, halatang galak siya na makita ako at agad na hila patungo sa toys niya. agad na nag laro kami ng toys niya at kung ano ano ang aming inimagine. inimagine namin na nasa gera kami at kami ang prince and princess ng isang magandang kaharian. hai nako bata nga naman. nag kwentuhan kami nang kung ano ano until na mabanggit niya sakin ang sakit niya. tinanong niya sakin kung masaya may kapatid at kung ano ano pa. until...
"alam mo ba birthday ko ngaun, June 15, 1992 ako pinanganak hehe.."
nagulat ako at napatigil sa laro, nag paalam ako kay Albert na uuwi ako at tumakbo pauwi. pag dating sa bahay dumresto ako sa kusina at nag hanap ng cupcake at maliit na kandila. agad akong bumalik sa bahay nila, at dumrestso sa kanyang silid, pero nakita ko na lang siya sa kanyang kama at nakahiga kasama si yaya. dahan dahan ko siyang nilapita sa edad na limang taon hindi ko alam ang nangyari pero nakangiti pa din ako.
"albert bangon ka, may cake ako para sayo, tara blow mo ung kandila kunwari at kakantahan kita ng happy birthday."
tumayo ng dahan dahan si albert at ako umupo sa tabi niya, si yaya kinuha ang cupcake sakin at sinindihan ang kandila at kinantahan namin ng happy birthday si albert. sumigla ang ngiti at umiyak. niyakap ako ni albert at sabay sinabi ay..
"thank you Elen ah.. eto ang pinaka magandang gift mo sakin."
agad bumangon si Albert at dumeretso siya sa kanyang Cabinet, nakita ko na may isang siyang brown box na kinuha. dinala niya to sa kanyang kama at binuksan. agad kong nkita ay isang box na punong puno ng pictures, isang poloroid camera at isang box na maliit na red. Kinuha niya ang camera at binigay kay yaya at inutusan niya ito na kuhaan kami ng picture,
"yaya dalawang beses mo kami kuhaan ha?"
after kami kuhaan napatanong ako kung bakit dalawa ang picture. ang sabi nalang niya "isa sayo"
kinuha niya ung pulang box na maliit at binuksan, nakita ko ay 2 necklace ang laman at ibon ang pendat, kinuha niya ung isa at isinuot sa akin.
"ano to?!" tanong kong pagulat.
"sayo na yan, palatandaan yan ng friendship natin! ikaw na ang aking best friend.''
simula nun kami na ay ganap na bestfriend. araw araw na kong dumadalaw sa kanila at araw araw ko siyang pinapasaya. hangang sa sumapit ang pasukan, pero may time pa din ako sa kanya, ako papasok then dadalaw agad sa kany kahit naka uniform siya naman home study at mag hihintay sakin.
After one month.
"aalis na kami sa Pilipinas, pupunta na kami ng states para dun daw ako ipagamot"
"iiwan mo na ko?"
"Sorry Elen, basta tandaan mo Best Friend tayo! iyang necklace na yan yan ang palatandaan ng friendship natin"
"Albert, Ayoko! wag mo ko iwan Albert" paiyak kong sinabi.
"Wag mo ko kakalimutan ah?" sabi ko kay Albert.
"Oo promise."
"Promise?" sabi ko sabay nag pinky swear sa kanya.
"promise" sabay kabit ng pinky niya sa pinky ko.
Yumakap ako kay Albert habang umiiyak, at niyakap rin niya ako ng sobrang higpit na parang ayaw na namin maghiwalay.
"mamimiss kita Albert"
"mamimiss din kita"
Pinasakay na siya ng Daddy niya sa kotse at tila hindi ko man siya nayakap. gusto ko siyang pigilan at ayoko bitawan ang kanyang mga kamay pero sadyang kaming pinag hihiwalay. Si mama hinila ako at Si Albert naman ay hinila ng kanya Daddy. Masakit oo pero kailangan. Pag kasakay niya ng kotse ay agad itong umalis. Ako pinilit ko makawala para habulin si albert pero...
wala na kong maabutan umiiyak ako habang binabangit ang pangalan niya, nangangarap na marinig at umaasa na magkikita kami muli.

Author: http://www.wattpad.com/user/chachingkuyet